A Touching Story About A Teen Mom That Is Also A Working Student



She is 17 years old and she is a teen mom and also a working student, she goes to school in the morning 6:30 am - 1:30 pm after her school hours she goes straight to her work at exactly 2:00 pm - 9:30 pm then she will arrive at her home 10:30 pm - 11:00 pm. She shared this to inspire other teen mom out there and tell them that they don't have to be discouraged just because they had a child early it doesn't mean they have no future and there are a lot of ways to continue your postponed dreams. Let's read her story.

Read:

Working student / teen mom 😍
Sa umaga studyante sa gabi crew at syempre mommy's duty din. Oo tama bata pa ako 17years old at teen mom, maliit na bata muka daw akong elementary πŸ˜‚at Kahit na ang hirap hatiin yung oras ko lalo na sa baby ko kinakaya ko hindi lang para sa future ko hindi lang para sa sarili ko kundi para sa future namin at syempre para sa pangarap ko, sa pangarap kong nahinto ng sandali. Papasok ako sa school ng 6:30 am hanggang 1:30 pag ka tapos diretso na sa work 2pm hanggang 9:30 syempre makakauwe nako mga 10:30pm minsan panga 11pm na. Ang hirap kase medyo nawawalan ako ng oras sa mga taong mahal ko sa buhay. Lalo na sa baby ko na medyo masakit lang kase di nya mabigkas yung salitang mommy pero yung mga salita na daddy at iba pa nasasabe nya pero yung mommy hindi 😣 siguro nga dahil minsan na lang kame mag kasama pag uwe ko tulog na, pag gising ko konting laro lang minsan hindi panga nagkakaroon ng bonding dahil maaga yung alis ko 😣 pero pag nakikita nya ako ang saya saya nya 😍 at alam ko balang araw maiintindihan nya din yung mga ginagawa ko . Sana lahat ng ginagawa ko sa huli maging worth it at sana may mapuntahan πŸ˜‡ Minsan nga napapa isip ako may oras paba ako sa sarili ko? Kase sa mga taong mahal ko nga wala na ako gaanong oras sa sarili kopa kaya? Pero dahil ginawa koto ginusto koto mag pupursigi ako lalo, dahil sa lahat ng hirap na pinag daanan ko alam ko malapit nako sa pangarap ko at hinding hindi nako aatras pa. Kahit na minsan pag uwe ko diretso higa sabay nakatulog nalang ako ng diko alam at minsan di nakakapag bihis sa sobrang pagod kinakaya ko padin. Puyat, sulat, trabaho di ko alam na magagawa ko to haha πŸ˜‚ sa mga taong may hindi magandang sinasabe saken kapag naka talikod at sa mga taong mahilig manghusga sa mga teen mom, sa mga taong mababa ang tingin sa mga batang ina wala akong pake sainyo πŸ˜ƒ basta ang alam ko lahat ginagawa ko para maging tama lahat ng mali ko at sa mga naniniwala saken na kakayanin ko to at sa mga nag ppush saken na wag sumuko salamat po πŸ˜‡ katulad ng sinabe ng isa kong teacher na nagulat sya dahil pag labas ko ng school diretso na trabaho sabe nya kahit anong mangyare pagpatuloy ko daw pag aaral ko kahit anong problema na dumaan wag daw ako sumuko πŸ˜‡ shinare kolang kase mas lalong nakaka gaan ng loob parang ang sarap sa pakiramdam kaya mas lalo akong mag pupursigi para matapos ko tong pag aaral ko πŸ˜‡ thankyou sa pamilya ko lalong lalo na sa mama at papa ko. Kay zhy at sa daddy ng baby ko na laging nandyan sa tabi ko thankyou sobra 😍😍

Kaya sa mga nawawalan ng pag asa dyan na di porket maaga nag ka anak wala ng kinabukasan maraming paraan marami kang pwedeng gawin para ipagpatuloy yung nahintong pangarap
πŸ–’ kung hindi ka madadapa hindi ka matuto.
Mag sikap para maabot lahat ng pangarap sa buhay at pangarap para sa mga taong mahal mo sa buhay πŸ˜‡ sana sa susunod na post ko Naka suot na ako ng Best OOTD ko πŸŽ“



She's amazing don't you think? Share with us your thoughts by commenting on the comment section located down below.



A Touching Story About A Teen Mom That Is Also A Working Student A Touching Story About A Teen Mom That Is Also A Working Student Reviewed by Legit on July 29, 2017 Rating: 5

No comments