Bago Raw Na Modus Operandi Na Nakuhanan Ng Video Ang Kumakalat Ngayon Sa Social Media Na Ikinagalit Ng Mga Netizens


Bago Raw Na Modus Operandi Na Nakuhanan Ng Video Ang Kumakalat Ngayon Sa Social Media Na Ikinagalit Ng Mga Netizens

PAUNAWA: INTINDIHIN at BASAHIN mabuti ang bawat detalye bago mag-kumento.

Ang layunin ng artikulong ito ay magbigay BABALA sa atin na MAG-INGAT sa bawat oras at hindi para MANGHUSGA sa mga taong kabilang sa artikulong ito.

Isa nanamang di umano modus-operandi and kumakalat ngayon sa social media. Ayun sa kumento ng lalaking na biktima raw ng bagong modus, pagsakay raw niya sa Boni station sa sakayan ng mga lalaki, nadatnan niya ang isang babae na nauna ng sumakay galing sa Ayala station. Tatlong minuto lamang ang biyahe papuntang Shaw pero nagkatulakan at balyahan raw sila at nakatabi niya ang babae na nakatukod raw ang siko sa kanyang tagiliran, nagsabi ang biktima na "kung nasisikipan ka ate, sa susunod na estasyon pwede kang bumaba." Tapos pagsabihan ng biktima ang babae sumigaw raw ito at ang sabi "gusto mo magpalit tayo ng pwesto?" inulit raw ng babae ito at dahil ayaw raw ng gulo ng biktima ay pumayag itong makipagpalit ng pwesto.

Ngunit pagkatapos magkapalit ng pwesto at dumating na sila sa Shaw boulevard station, dito na raw nagsimula ang babae na magwala at nagsisisigaw at pinapalabas niya ang biktima na may kasamang sampal na makikita po natin sa video na nakunan ng isang concerned citizen. Kung susuriin niyong mabuti makikita ang lalaking naka-cap na tila iba ang galaw ng kamay. Ito raw ang modus nila gagawa raw ang babae ng ingay o gulo para mapunta ang atensyon ng tao sa kanya at ang kasama naman ay gagamitin ang oportunidad na magnakaw. Basahin po natin ang BUONG pangyayari at panoorin po natin ang nasabing video.

Basahin:

Modus sa MRT panoorin ang eksena ng babae at ang lalaking naka cap na tila dinudukutan niya ang lalaking sinisigawan ng babae, ang drama ng babae ay hinipuan daw siya nito. Mag ingat po tayo sa ganitong modus. Double purpose ito bukod sa nadukutan ang lalaki, sasampahan ng kaso ng babae at magpapa areglo. Narito ang kwento ng lalaking sinampal ng babae
Kung sa inyo nangyari ito ano ang gagawin mo? (Pindutin ang [source] para mapunta kung saan ang pinang-galingan ====> ) [source]

Panoorin ang video:



"The purpose of sharing this video is for future awareness to all MRT/LRT commuters, especially to those who are really s*x maniacs what if magaya kayo nito? S*ls*l muna sa bahay bago pumasok sa work ah? Mag ingat po sa ganitong eksena naway maging mapanuri po tayo sa paligid kapag nangyari ang ganitong scenario." Heres the story of Mr. Amado (Pindutin ang [source] para mapunta kung saan ang pinang-galingan ====> ) [source]



Ang mungkahi ng biktima:

Ako po ang lalaking sinampal sampal ng babae sa video. Gusto ko lang po maliwanagan ang lahat kung ano ang nangyari. Pagsakay ko sa Boni station sakayan ng mga lalaki, nadatnan ko ang babae na nauna ng sumakay galing sa ayala station. Pagsakay ko sa Boni station na 3 minuto lamang ang biyahe papuntang Shaw, ay nagkatulakan, balyahan at dito nakatabi ko ang babae na nakatukod ang siko sa aking tagiliran, nagsabi ako na “ kung nasisikipan ka ate, sa susunod na estasyon pwede kang bumaba.” Sumigaw siya at nagsabi sa akin na pasigaw “ gusto mo magpalit tayo ng pwesto” inulit nya eto At dahil ayaw ko ng gulo nagsabi ako na “sige” pagkatapos naming magpalit ng pwesto, dumating na kami sa Shaw boulevard station. At dito na nagsisigaw at pinalalabas ako may kasamang sampal. Nagfile po ang babae ng acts of lasciviousness pero lagi nating tandaan na ang Diyos ay hindi natutulog. He will defend the innocent and truth will always prevail. Ang sabi po ng Fiscal ay “cannot be considered lascivious considering the crowded atmosphere, The Fiscal lowered to unjust vexation then after 5 days in detention, on March 28, 2017, the judge gave an ORDER stated that the case has no probable cause and the charge does not constitute an offense. The case dismissed by presiding Judge.

May kumento ang mga netizens patungkol rito may nagsasabi na modus nga at may nagsasabing hindi at nagkataon lang na sinamantala ng lalaki ang sitwasyon. Basahin po natin.





Ito po ay matagal ng nangyari makikita sa post ng lalaki na April 8 pa yung kanyang pinost at ayon sa kanya Doctor LAW student po ang babae at kung iisipin po natin hindi naman po siguro mag-fifile ng kaso ang babae kung di nga siya na bastos. Pero ang pagkakamali lang ng babae ay sumakay siya sa panlalaki kaya naman maaaring masagi o mahawakan siya ng di sinasadya sa kadahilanang siksikan at tulakan sa loob ng MRT. Pwede rin na nahipuan nga siya. Basahin po natin ang post ng lalaki.

(Tinakpan po namin ang bahagi ng mga pangalan ng mga tao para sa kanilang proteksyon.)

Hindi din kasi natin masasabi dahil wala tayo sa pinangyarihan at kung iisipin niyo po ay panlalaki po iyong sinakyan ng babae at malaki ang posibilidad na magka-balyahan at magka-tulakan nga. Pwede ring magkakilala ang lalaki at babae, pwede rin namang hindi sila magkakilala at sinamantala lang ng lalaki ang sitwasyon para makapagnakaw. Ang layunin ng artikulong ito ay magbigay BABALA sa atin na MAG-INGAT sa bawat oras at hindi para MANGHUSGA sa mga taong kabilang sa artikulong ito.

Matagal na itong isyu na ito and THE CASE IS ALREADY CLOSED ang tanging layunin na lang nito ay magbigay babala na palaging maging mapanuri at maging ma-ingat sa lahat ng oras.

Ipinapakita ng isyung ito na maraming pwede mangyari at maraming pwedeng tignang anggulo sa panyayari kaya dapat ALAMIN muna natin ang buong pangyayari bago mag-kumento.

Ano ang tingin niyo sa artikulong ito? Kung maaari po ay ipamahagi po ninyo ang inyong pahayag sa pamamagitan ng pagkumento sa comment section na matatagpuan sa ibaba. Salamat sa inyong pagbisita sa aming website.


Bago Raw Na Modus Operandi Na Nakuhanan Ng Video Ang Kumakalat Ngayon Sa Social Media Na Ikinagalit Ng Mga Netizens Bago Raw Na Modus Operandi Na Nakuhanan Ng Video Ang Kumakalat Ngayon Sa Social Media Na Ikinagalit Ng Mga Netizens Reviewed by Legit on August 07, 2017 Rating: 5

No comments